-- Advertisements --

Pumanaw na ang lalaki na nabaril ng mga otoridad sa nangyaring standoff sa labas ng CIA headquarters sa McLean, Virginia.

Ayon sa FBI ang hindi na pinangalanang suspek ay nalagutan ng hininga habang dinadala sa pagamutan.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad na lulan ng kaniyang sasakyan ang suspek at ito ay nagsabing mayroong bomba sa kaniyang sasakyan.

Dahil sa insidente ay pinakiusapan ng mga otoridad ang suspek subalit ito ay nagmatigas hanggang nabaril na nila ito.