-- Advertisements --

DAVAO CITY – Malamig na bangkay na ng marekober ang isang lalaki matapos malunod habang sa naliligo sa resort sa Purok Galonggong, Barangay Tuban, Sta. Cruz, Davao del Sur.
Ayon sa nakasaksi, sa pagpapailaw umano nito sa Laude’s Arc Beach Resort ay insaktong nakita ang bangkay ng lalaki na palutang-lutang sa dagat.

Base sa imbestigasyon sa kapulisan, wala silang nakitang sugat o galos sa katawan ng biktima. Kung kaya pinaghihinalaan ng otoridad na nalunod ang biktima.

Sa ngayon, patuloy pang inaalam ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng nasabing lalaki.