Walang nakikitang foulplay ang mga otoridad sa pagkamatay ng isang lalaki na natagpuang naaagnas sa irrigation site sa Barangay Jilabangan, Tayasan, Negros Oriental.
Natagpuan ang bangkay ng 50 anyos na si Juneboy Alburo kahapon, Pebrero 15, matapos isinara ang irrigation canal dahil sa naranasang mga pag-ulan.
Una rito, nakatanggap ng tawag ang Tayasan police station kaugnay sa isang natagpuang bangkay sa lugar kaya nila ito nirespondehan.
Sa eksklusibong panayam ng Star Fm Cebu kay PLt Patrick Lacandula, sinabi pa nito na noong Hulyo pa ng nakaraang taon o pitong buwan na ang nakalipas nang nawawala si Alburo.
Napag-alaman na may problema sa pag-iisip ang biktima at posible itong inanod at nalunod sa rumaragasang tubig.
Sinabi din ni Lacandula na nakilala si Alburo ng mga kamag-anak nito dahil sa kanyang suot.
Wala din naman itong nakalitan sa lugar base sa salaysay ng mga kamag-anak nito kaya hindi na hinahanap muna matapos na maireport sa barangay.