-- Advertisements --
image 433

Arestado sa isang entrapment operation ang isang 54-anyos na lalaking di umanoy sangkot sa gunrunning o iligal na pagbebenta ng armas sa Sta. Cruz, Maynila . 

Ayon sa hepe ng Regional Special Operations Group (RSOG) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Intelligence Division, na si Lt. Col. Wilfredo Sy, nanggaling sa isang concerned citizen ang impormasyon tungkol sa umano’y iligal na pagtitinda ng suspek ng baril sa Tondo. 

Aniya pa, nagkaroon sila ng intel buildup hanggang sa nakakuha sila ng action agent para maka-transact ang suspek. Narekober naman ng operatiba ang marked money na ginamit sa entrapment operation, kabilang na rin ang isang submachine gun, mga magazine at bala mula sa suspek.

Dagdag pa ng pulisya, naagapan ang posibleng paggamit ng mga naturang baril ng mga sindikato sa nasabing lugar. 

hindi aniya ito ordinaryong baril dahil submachine gun ito at may suppressor pa. Malamang aniya ay ang parokyano nito ay mga gun-for-hire at siguro ay mga malalaking grupo ng robbery holdup.

Aminado naman ang suspek na mali at labag sa batas ang ginawa niya, pero kinailangan niya raw itong gawin dahil gipit sa pera at kailangan niya ng panggastos sa pagpapaospital ng kaniyang ina.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.