-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Hindi na nakapalag sa mga miyembro ng pulisya ang isang lalaki matapos itong madisgrasya habang gamit ang ninakaw na motorsiklo sa Brgy. 106 North Hill, siyudad ng Tacloban.

Kinilala ang suspek na si Jasper Fabi, 18, residente ng Barangay 105 Guadalupe, Tacloban City.

Ayon kay PMaj. Edwin CaƱamaque, station commander ng Tacloban City Police Station 1, una nang naireport sa kanila ng biktima na si Jocelyn Placa na ninakaw an kanilang motorsiklo habang nakapark sa labas ng kanilang bahay.

Pero nang pauwi na ito ay may nakapagsabi sa kanya na nakita nila ang nawawala nitong motor na nakapark sa Brgy. 105, Guadalupe, Tacloban City kaya’t dali dali niya itong pinuntahan.

Habang patungo siya sa naturang lugar ay nakasalubong niya ang suspek habang minamaneho ang kanyang motor.

Dahil sa takot at kaba ng suspek ng makita niya ang may-ari ng ninakaw niyang motor ay di na ito nakapagmaneho ng maayos kaya’t sumemplang ito.

Dali-dali naman siyang hinuli ng mga pulis at ngayon ay nahaharap sa kasong carnapping.