-- Advertisements --

TACLOBAN CITY — Hindi na nakapalag sa mga kapulisan ang isang lalaki matapos itong madisgrasya habang gamit ang ninakaw na motorsiklo sa Brgy. 106 North Hill, siyudad ng Tacloban.

Kinilala ang suspek na si Jasper Fabi, 18 anyos, residente ng Barangay 105 Guadalupe, Tacloban City.

Ayon kay Pol. Maj. Edwin CaƱamaque, station commander ng Tacloban City Police Station 1, una ng naireport sa kanila ng biktima na si Jocelyn Placa na ninakaw an kanilang motorsiklo habang nakapark sa labas ng kanilang bahay.

Pero ng pauwi na ito ay may nakapagsabi sa kanya na nakita nila ang nawawala nitong motor na nakapark sa Brgy 105 Guadalupe, Tacloban City kaya’t dali dali niay itong pinuntahan.

Habang patung siya sa naturang lugar ay nakasalubong niya ang suspek habang minamaneho ang kanyang motor.

Dahil sa takot at kaba ng suspek ng makita niya ang may-ari ng ninakaw niyang motor ay di na ito nakapagmaneho ng maayos kaya’t sumemplang ito.

Dali dali naman siyang hinuli ng mga pulis at ngayon ay nahaharap sa kasong carnapping.