Inaresto ng mga otoridad ang isang lalaking taga-Myanmar dahil sa di-umano’y pagnanakaw nito ng P1.8 million mula sa isang business process outsourcing (BPO) sa Mandaluyong City noong Biyernes.
Kinilala ang suspek ng Mandaluyong City police na si Zaw Htet Aung, 20-anyos, isang customer service representative ng Global Link Company sa Brgy. Wack-Wack, Shaw Boulevard.
Ayon kay Polce Col. Moises Villaceran Jr. ng Mandaluyong police, kinasuhan si Aung dahil sa pangongolekta umano nito ng pera mula sa nasabing kumpanya. Dagdag pa nito na binigyan ang suspek ng working visa upang makapag trabaho sa bansa.
Nagawa umanong ilipat ng suspek sa kanyang personal banks accont ang mga kinukuha nitong pera.
Ayon naman sa isang empleyado sa kumpanya, di-umano’y kinuha ni Aung ang pera at pina-planong gastusin ito sa isang high-end KTV bar.
Sa ngayon ay nasa ilalim na ng kustodiya ng mga pulis si Aung habang inihahanda pa ang mga kasong isasampa laban dito.