-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nahaharap sa kasong bigong pagpatay ang isang lalaki matapos ireklamo ng kanyang stepfather na kanyang tinaga sa San Mateo,Isabela

Ang suspek ay si Jonathan Astrero habang ang biktima ay si Laurence Villa.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan nagtungo mismo ang biktima at ng ina ng suspek sa San Mateo Police Station para magsampa ng kaso laban kay Astrero.

Matatandaang nagtamo ng sugat sa ulo si Villa matapos tagain ni Astrero.

Kaagad dinala sa pagamutan ang biktima at nakalabas na pagamutan matapos lapatan ng lunas.

Si Astrero ay nasa pag-iingat na ng San Mateo Police Station.