-- Advertisements --
ROXAS CITY – Patay ang 36-anyos na lalaki matapos na pinagtataga sa Barangay Santa Rita, Dumalag Capiz.
Nagtamo ng 31 sugat sa ulo, leeg at katawan ang biktima na si Michael Fuyonan ng naturang lugar.
Lumalabas sa imbestigasyon ng Dumalag PNP na binato ang bahay ng biktima kung kaya’t kaagad itong lumabas upang alamin ang nangyari.
Ngunit sa paglabas ni Fuyonan mula sa loob ng bahay ay bigla na lamang itong pinagtataga ng hindi nakikilalang suspek.
Dinala pa sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.
Samantala narekober sa pinangyarihan ng krimen ang itak at tsinelas na ginamit ng suspek.
Sa ngayon, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insedente.