-- Advertisements --
ROXAS CITY – Patay ang isang lalaki matapos binaril sa Barangay Quinayuya, Dao, Capiz.
Kinilala ang biktima na si Florencio Facto, 21-anyos, ng nasabing lugar na nagtamo ng sugat sa kanyang hita.
Base sa imbestigasyon ng Dao Municipal Police Station, lumalabas na pauwi na ang biktima sakay ng motorsiklo nang madaanan ang dalawang nag-aaway.
Bumaba ito sa kanyang motorsiklo at tinangkang awatin ang nag-aaway ngunit bigla itong binaril ng suspek na si Gil Batik-Batik.
Kaagad na isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival dahil maraming dugo diumano ang nawala kay Facto.
Samantala, pinaghahanap na ang suspek na mabilis tumakas matapos ang krimen.