-- Advertisements --

ROXAS CITY – Patay ang 40-anyos na lalaki at una ng nadakip sa drug buybust operation noong 218, matapos pinagbabaril-patay ng hindi pa nakikilalang suspetsado bandang 11:50 ng gabi, sa Calipayan St. Brgy. Punta Tabuc, Roxas City.

Kinilala ang biktima na si Jeff Ardeña, repairman at residente ng Brgy. Cagay, Roxas City subalit temporaryo na nakatira sa Bayot Drive, Brgy. IX.

Ba-se sa impormasyon na nanggaling sa Roxas City PNP, sinasabing 12:10 ng madaling araw may isang concern citizen ang nagpabatid sa kanila ng report na may nangyaring shooting incident sa nasabing lugar.

Dahil dito, mabilis naman itong nirespondihan ng RCPS sa lugar kung saan lumalabas sa kanilang report na habang nakasakay sa motorsiklo nito na Suzuki Skydrive ang biktima, bigla na lamang siyang inabangan at pinagbabaril.

Mabilis naman itong nirespondihan ng Roxas City Emergency Response Team at dinala sa ospital subalit ideneklarar itong dead on arrival ng doktor.

Narekober ng mga otoridad sa crime scene ang 8 fire catridge, 2 slug ng calibre 45 na baril.

Matandaan una ng nahuli si Ardeña ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) sa kasong may kadahilanan sa iligal na droga sa Premier de Mayo St., Barangay 9, Roxas City noong 2018.

Sa ngayon, patuloy pa ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng mga kapulisan sa nasabing insidente upang makilala at maaresto ang sa likod ng pagpatay sa biktima.