BUTUAN CITY – Idineklara ng drug cleared ang buong lalawigan ng Agusan del Sur sa Caraga region sa isinawagang 16th Barangay Drug Clearing Regional Oversight Committee neeting ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-Caraga).
Sa panayam ang Bombo Radyo Butuan, inihayag ni PDEA-Caraga Assistant Regional Director Irvin John Coderis, na naka-comply sa lahat ng requirements ang lahat ng mga barangay ng naturang probinsya kung kaya’t ito na ang pangatlong lalawigan nitong rehiyon na nadeklarang malaya na mula sa iligal na druga kasunod sa Dinagat Island at Surigao Del Sur.
Kinumpirma naman ni Coderis na ang Caraga ang siyang rehiyon na may pinakamaraming barangay sa buong bansa na nadeklarang drug cleared.
Pinasalamatan na lamang ng opisyal ang lahat ng stakeholders at partner agencies na nagbigay suporta sa kampanya kontra sa iligal na droga.
Ngunit nilinaw ng opisyal na patuloy parin ang kanilang monitoring sa mga lugar na nadeklarang drug cleared base na rin sa nakasaad sa Dangerous Drug Board Regulation Number 3 series of 2017 na may gagawing re-validation sa mga lugar sa bawat quarter ng taon.