-- Advertisements --

ALIBO, Aklan—Makakaranas ng 12 oras na brown-out ang lalawigan ng Aklan maliban na lamang sa bayan ng Malay, isla ng Boracay, Buruanga at ilang bahagi ng Nabas bukas, Agosto 17, 2019.

Ayon kay Michelle Beccera ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), mawawalan ng suplay ng kuryente ang mga nasabing lugar mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.

Samantala, ang isla ng Boracay, mga bayan ng Malay, Buruanga at ilang bahagi ng Nabas ay magkakaroon lamang ng isa’t kalahating oras na power interruption na magsisimula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-7:30 ng umaga at alas-4:30 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi.

Dagdag ni Becerra, ang Caticlan at Boracay sub-station ay pansamantalang ikokonekta sa NGCP San Jose sub-station.

Ang power interruption ay dulot ng isasagawang maintenance sa NGCP Panit-an-Nabas 138KV transmission line.