LEGAZPI CITY – Pormal ng isinailalim sa state of calamity ang buong Albay kaugnay ng paglobo ng dengue cases sa ilang bayan sa lalawigan.
Ayon kay Board Member Victor Ziga, Vice Chairman ng Committee on Crisis and Management, layunin nito na ma-kontrol ang pagtaas ng kaso ng pagkamatay na dulot ng naturang sakit.
Nabatid na base sa monitoring ng Provincial Health Office (PHO), naitala ang 478% significant increase ng dengue cases sa Albay habang 150% naman ang pagtaas sa mga namatay sa lalawigan dahil sa naturang sakit simula Enero hanggang Hulyo sa kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Kinakailangan aniya ng pagbibigay ng agarang aksyon upang ma-mitigate at ma-kontrol ang mga kaso ng dengue.
Matapos ang deklarasyon ng state of calamity ay inaasahan ang agad na pagkilos ng PHO sa pagtulong sa mga municipal hanggang sa barangay level na nakapagtala rin ng dengue cases.