Nasa ilalim na ng state of calamity ang lalawigan ng Albay dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine.
Sinabi ni Albay Public Safety Emergency Management Office (APSEMO) acting chief Dante Baclao , inaprubahanng kanilang Sangguniang Panlalawigan ang nasabing deklarasyon sa ginawa nilang sesyon nitong hapon na ng Martes, Oktubre 22, 2024.
Dahil sa nasabing deklarasyon ay magagamit na ng mga local government units ang kanilang calamity funds.
Tutulong din ang provincial governents sa mga LGU sa mga kakailanganin nila.
Naglabas na rin ng advisory si Albay Governor Baby Glenda Ong Bongao sa mga residente ng force evacuation dahil sa patuloy ang nararanasang pagbaha, lahar flow at ang landslides.
Mayroon naman ng mahigit 3,000 na mga indibidwal ang nasa iba’t-ibang evacuation centers na mula sa Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Masbate, Sorsogon at Catanduanes.