-- Advertisements --

Inirekomenda ng Antique Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na isasailalim sa state of calamity ang buong lalawigan kasunod ng paglobo ng kaso ng dengue ngayong taon.

Sa latest record ng Provincial Health Office, may 1,581 cases na ng dengue as of July 2, 2022 na 556 percent na mas mataas sa 241 patients sa parehong period.

Anim na rin ang patay sa lalawigan ngayong taon dahil sa sakit.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Joenes Jereza, Nurse II ng Antique Provincial Health Unit , sinabi nito na una nang isinailalim sa state of calamity ang Sibalom and Anini-y.

Ayon kay Jereza, karamihan sa mga biktima ay late na nai-report o dinala na sa ospital dahil sa malalang kondisyon.

Kung mai-declare ang state of calamity Local Government Unit (LGU), magagamit na ang Quick Response Fund.