ROXAS CITY – Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Capiz.
Sa isinagawang special session ng sangguniang panlalawigan nitong hapon ng Huwebes, inaprubahan ang resoluston na nagdedeklarang isailalim sa state of calamity ang Capiz.
Nabatid na ang lalawigan ng Capiz ang pinakaunang probinsya sa Rehiyon 6 na nagdeklara ng state of calamity matapos labis maapektuhan ng manalasa ang bagyong Ursula.
Samantala umabot na rin sa apat ang kumpirmadong patay sa pagdan ng nasabing bagyo sa lalawigan.
Kabilang sa mga nasawi ay ang tatlong menor de edad na sina Janine Lacorte, 13, ng bayan ng Mambusao na nalunod; John Dial, 15, ng bayan ng Pilar, Capiz na nakita ang bangkay sa Balasan, Iloilo; Eduard Gautane, 12, na nabagsakan ng kahoy ang kanilang bahay habang ito ay natutulog at si Merlinda Delatina, 53, ng Pontevedra, Capiz.