-- Advertisements --
Nagdeklara na ng state of calamity ang lalawigan ng Cavite dahil sa epekto ng bagyong Carina.
Ang nasabing deklarasyon ay napapailalim sa Sangguniang Panlalawigan Resolution Number 3210-2024.
Ang pagdedeklara ng state of calamity ay para magamit ng mga local governments ang kanilang emergency funds para sa pagbibigay tulong sa mga naapektuhan ng bagyo.
Ilang lugar sa Cavite ang nagtala ng pagbaha gaya sa Rosario, Kawit, Bacoor, Trias at Imus.