-- Advertisements --

CEBU CITY – Naglabas ng implementing rules and regulations (IRR) ang lalawigan ng Cebu patungkol sa optional na paggamit ng facemask.

Naglabas ng mga alituntunin o ordinansa ang tanggapan ng gobernadora na ginawang optional ang paggamit ng mga facemask sa lalawigan sa gitna ng pandemya ng COVID-19.

Ayon sa mga alituntunin, ang optional na paggamit ng mga facemask ay naglalayong “isulong ang makatwiran at praktikal na paraan upang harapin ang pandemya ng COVID-19.”

Nakasaad sa nasabing dokumento na patakaran din ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Cebu na hikayatin ang “makatwiran at praktikal na mga pamamaraan” upang harapin ang pandemya ng COVID-19 ” alinsunod sa mga prinsipyo ng katarungang panlipunan, katarungan, at sentido komun.

Tinukoy ng mga alituntunin ang mga well-ventilated at open space bilang mga lokasyon na binubuo ng sapat na suplay ng sariwang hangin sa isang open area na naka-access ng publiko, habang ang mga closed space ay tumutukoy sa anumang saradong espasyo na bukas sa publiko kung saan nagtitipon ang mga tao at hindi sapat ang supply ng sariwang hangin.

Ilalapat lamang ang implementing rules and regulations sa mga local government units at constituents sa ilalim ng territorial jurisdiction ng lalawigan ng Cebu.

Nakasaad rin sa IRR na hinihikayat pa rin ang mga tao na patuloy na magsuot ng facemask sa mga mataong lugar sa labas.

Mayroon pa ring mandatoryong paggamit ng mga facemask sa mga sarado meron o hindi air-conditioned na espasyo.