GENERAL SANTOS CITY – Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 17 kilometers northwest ng bayan ng Jose Abad Santos, ala-9:35 ng umaga ng Huwebes (December 28).
May lalim na 034 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Sa nasabing pagyanig naitala ang Intensity IV sa General Santos City, Don Marcelino, Davao Occidental; Intensity I sa Bislig City, Surigao Del Sur at Davao City.
Habang batay sa Instrumental Intensities naitala ang Intensity V sa Malungon, Sarangani Province, Intensity IV sa Don Marcelino, Davao Occidental, Alabel, Sarangani Province at General Santos City at Intensity III sa Malapatan, Sarangani Province.
Sa ngayon ay wala namang naiulat na pagkasira ng mga ari-arian bunsod ng pagyanig.