-- Advertisements --

ILOILO CITY – Idineklara na ni Gov. Samuel Gumarin na isailalim sa Dengue oubreak ang lalawigan ng Guimaras dahil na rin sa tumataas na kaso ng Dengue Hemorrhagic

Ayon sa pinakahuling datus ng Department of Health (DOH), umaabot na sa 493 ang mga pasyente na may Dengue kung saan dalawa na ang patay.

Kung ihahambing sa nakaraang taon, tumaas ng 1,046 percent ang Dengue cases mula Enero hanggang Hulyo 2019.

Dahil rito, ipinag-utos ni Gumarin ang pagbuo ng Dengue Crisis Management Task Force na siyang mamumuno sa pagsasagawa ng 4 o’clock habit sa araw ng Miyerkules, Biyernes at Linggo.

Ipinag-utos rin ng gobernador sa lahat ng District Hospital, Rural Health Units, Municipal Health Office at Provincial Health Office na magbigay ng libreng medical service sa mga pasyente na may Dengue.

Kaugnay nito, malakas naman ang bentahan ng mosquito repellents sa mga botika.

Ayon sa Pharmacist na si Sheila Mae Vilchez, mahigit sa 24 na sachet ng mosquito repellents ang kanilang maibenta sa loob ng isang araw.

Maliban sa mga sachet, malakas rin ang benta ng mga bottled mosquito repellents para sa mga bata at matatanda.