ILOILO CITY-Isinailalim na sa state of calamity ang lalawigan ng Guimaras kasunod ng pananalasa ng bagyo Odette.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Guimaras Vice Governor Atty. John Edward Gando, sinabi nito na ilan sa naging basehan ng nasabing deklarasyon ay ang pangangailan ng emergency assistance ng mahigit sa 15% ng populasyon; nasa 30% ng kabuhayan sa sektor ng agrikultura,negosyo at industriya ang apektado ng bagyo; may mga pinsala sa critical at lifeline infrastructure o pasilidad katulad ng mga daan at tulay , power stations, potable water supply systems, at telecommunication facilities; at, may naitalang pinsala sa fishponds, crops, poultry at livestock.
Ayon kay Gando,activated din ang local price declaration council na magko-control sa pagtaas ng mga presyo ng pangunahing bilihin kaangay ng pagkain.
Gagamitin din ang quick response fund upang agarang maibigay ang tulong pinansyal sa mga naapektohan ng bagyo.
Napag-alaman na dalawa ang patay sa lalawigan ng Guimaras matapos madaganan ng puno ng buri ang kubo na kanilang sinisilungan.