VIGAN CITY – Muling naideklarang Covid19 free ang lalawigan ng Ilocos Sur matapos ang mahigit tatlong buwan nitong pagkakatala ng mga kaso.
Ang pagiging Covid19 free ng lalawigan ay sa pamamagitan ng mahigpit na pagtutulUngan ng bawat Local Government Unit upang mabantayan ang mga residente nang sa gayon ay hindi lumaganap sa kanilang lugar ang virus kasama na rin ang pagsunod sa mga naipapatupad na health safety protocols.
Dahil diyan, inaasahan ng Ilocos Sur provincial government na magpapatuloy ang pagiging Covid19 free ng lalawigan lalo na ngayon at mabubuksan na ito sa mga turistang nais pumasyal mula Luzon at Metro Manila upang makabawi ang sektor ng turismo sa malalang epekto ng pandemya.
Kasabay ng pasasalamat ni Gov. Ryan Singson sa mga residente sa lalawigan ay nagpaalala ito na kahit wala na ang banta ng Covid19 sa lalawigan ay mahalaga pa ring sumunod sa anumang panuntunang naipapatupad upang labanan ang virus.