-- Advertisements --

Ibinalik sa general community quarantine (GCQ) ang quarantine classification ng probinsiya ng Isabela mula sa modified general community quarantine (MGCQ) pero hindi kasama ang Santiago City.

Isa ito sa inaprubahan kahapon ng Inter-Agency Task Force for the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) dahil na rin sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa probinsya.

Epektibo sa lalong madaling panahon ang GCQ status ng probinsya hanggang sa Disyembre a 31 ngayong taon.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ang desisyon na ito ng IATF ay batay sa moderate risk cross-tabulation ng average daily attack rate at sa two-week daily growth rate.

Gayundin, batay na rin ito sa hiling ni Isabela Gov. Rodolfo Albano III na higpitan muli ang kanilang quarantine classification dahil sa pagdami muli ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.