-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Inanunsyo ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela na wala nang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa probinsya.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Atty. Elizabeth Binag, information officer ng Isabela provincial government, na naging COVID-19 free na ang lalawigan matapos na magnegatibo si PH4805 na mula sa lungsod ng Cauayan sa huling test nito.
Magugunitang pito ang nagpositibo sa Isabela na mula sa apat na mga bayan at dalawang siyudad.
Dahil dito, nanawagan ang pamahalaang panlalawigan sa publiko na sundin ang mga protocols upang wala nang maitala ang lalawigan.