LEGAZPI CITY – Sisimulan na ang implementasyon ng universal health care sa 33 mga lalawigan at lungsod sa Pilipinas kabilang na ang Sorsogon at Masbate Sa Bicol.
Ayon kay Philhealth Area Vice President Gregorio Rulloda, lumabas sa kanilang pag-aaral na handa na ang Sorsogon para sa naturang implementasyon dahil natapos na ang profiling sa populasyon sa lalawigan.
Nakapasa rin aniya ito sa criteria kabilang na ang integration sites, regulation, financing at governance.
Nabatid na sa ilalim ng health care law, magkakaroon ng health care provider ang lahat ng pamilya sa bansa kung saan may mga doktor na titingin sa karamdaman ng mga ito.
Paliwanag ni Rulloda na magpapatupad ng primary cares kung saan magkakaroon ng enhance primary care benifits.
Dagdag pa ng opisyal na magkakaroon rin ng health facility enhancement sa ilang ospital kabilang na ang Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) upang ma-monitor kung paano maisasakatuparan ang probisyon ng universal health care.