-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Nilinaw ni Wilson Fortaleza, ang tagapagsalita ng Partido Manggagawa na nakabase umano sa “basket of goods” o available na food bundles ang parameter upang matawag na food poor o hindi ang isang Pilipino.
Ayon kay Fortaleza, nakadepende sa laman ng food bundles o presyo ng bawat-food item na nasa mesa, ang pag-identify sa poverty threshold o sukatan ng kahirapan.
Ang nakakadismaya lamang umano ay sobrang baba ang nai-label na presyo ng food bundles na inilabas ng National Economic and Development Authority o NEDA kung kaya’t masyadong mababa din ang poverty threshold ng bansa.
Ayon kay Fortaliza, ang nasabing datus ay galing sa Philippine Statistics Authority, na kinwestyon ng mga Pilipino.