-- Advertisements --
Robredo Marcos

Lumaki pa ng 15,000 ang kalamangan na boto ni Vice President Leni Robredo kontra kay dating Senador Bongbong marcos.

Ito ay matapos ang umano’y initial recount ng election protest na inihain ni Marcos laban sa bise presidente.

Sa kaniyang dissenting opinion sa Presidential Electoral Tribunal (PET) resolution sinabi ni Supreme Court Associate Justice Benjamin Caguioana mula sa 263,473 ay umakyat pa sa 278,555 ang puwang ng mga boto ni Robredo kumpara kay Marcos.

Iginiit ni Caguioa na sang-ayon sa Rule 65 ng 2010 Presidential Electoral Tribunal Rules na dapat nang ibasura ang election protest ng dating mambabatas.

“The Tribunal retrieved thousands of ballot boxes from three provinces, revised millions of ballots, and ruled on each and every objection and claim of the parties on these millions of ballots. After all these, the Tribunal eventually arrived at a final tally,” saad ni Caguioa.

Sa botong 11-2, pinagkokomento ng Korte Suprema ang dalawang kampo hinggil sa inilabas nitong report at pinagsusumite rin ang mga ito ng memoranda sa pagnanais ni Marcows na balewalain ang mga boto na nakuha ni Robredo sa Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao.