-- Advertisements --

Nagsimula na umano ang lamay nitong araw para sa pumanaw na si dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Gayunman nilinaw sa Bombo Radyo ni dating Agrarian Reform Secretary Hernani Braganza, inuna munang makilamay sa labi ni FVR ang malalapit na kamag-anak upang mabigyang privacy ang okasyon.

hernani nani braganza

Ginawa ng dating kalihim ang paglilinaw dahil inabot din ng dalawang araw bago isinapubliko ang detalye sa lamay at libing ng dating presidente.

Si Ramos ay uncle ni Braganza dahil ang ina niya ay second cousin ng dating chief executive.

Kaugnay nito, humingi ng dispensa si Braganza doon sa mga nag-abang sa detalye dahil kailangang ayusin pa ito bunsod ng umiiral na health protocols lalo na at muli na namang tumataas ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa at meron pang ibang sakit na lumalabas.

Ngayon lamang kasi naisapubliko ang wake at funeral arrangement.

Paliwanag pa ni Braganza, nag-iingat lamang ang pamilya para na rin sa kaayusan ng mga bibisita at magbibigay pugay sa labi ng dating pangulo.

“Uunahin lamang po ang pamilya na unang makilamay sa tabi ng ating pangulo… pagpasensiyahan nyo na po,” ani Braganza. “Meron kasing protocol na susundin sa ganitong okasyon lalo na at tumataas na naman ang COVID dito sa Pilipinas.”

Batay naman sa abiso, sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ihihimlay ang labi ni FVR sa araw ng Martes, Aug. 9.

Kung maalala naman ang pumanaw noon na anak na si Josephine “Jo” Ramos-Samartino at kapatid ni FVR na si dating Senadora Leticia Ramos Shahani ay inihatid sa huling hantungan sa Manila Memorial Park sa Parañaque City.

WAKE AND FUNERAL ARRANGEMENT:

Thursday, August 4
7:00 am – 2:30 pm Government Officials
3:00 – 4:30 pm Members of the Ramos Cabinet and RPDEV
5:00pm – Service/Mass
6:30 pm – 8pm Prepared Tributes
10:00 pm onwards – end of visiting hours

Friday, August 5
7:00 am – 2:30 pm Government Officials, Members of the Diplomatic Corps, Members of the Business Community, and Members of Civil Society Organizations
3:00 – 4:30 pm Former Malacañang Press Corps, DND Press Corps, and FOCAP
5:00pm – Service/Mass
6:30 pm – 8pm Prepared Tributes
10:00 pm onwards – end of visiting hours

Saturday, August 6
7:00 am – 2:30 pm Veterans, Military, Law Enforcement, and the West Point Society
3:00 – 4:30 pm Rotary Club of Manila
5:00pm – Service/Mass
6:30 pm – 8pm Prepared Tributes
10:00 pm onwards – end of visiting hours

Sunday, August 7
7:00 am – 2:30 pm Public Viewing
3:00 – 4:30 pm “Ex-Men,” Campaigners, Former OP Executives, OPSOG, LAKAS Founders, and Close-in Staff
5:00pm – Service/Mass
6:30 pm – 8pm Prepared Tributes
10:00 pm onwards – end of visiting hours

Monday, August 8
7:00 am – 4:00 pm Public Viewing
5:00pm – Service/Mass
6:30 pm – 8pm Prepared Tributes
10:00 pm onwards – end of visiting hours

Tuesday, August 9
10:00 am – Inurnment at Libingan ng mga Bayani

Source: MR. SAM RAMOS-JONES