-- Advertisements --
Itinturing ng World Health Organization (WHO) bilang “variant of interest” ang Lambda COVID-19 strain.
Sinabi ni WHO representatitve to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe na kasalukuyan nilang pinag-aaralang mabuti ang nasabing bagong variant.
Matatagpuan na aniya ang nasabing bagong variant sa nasa 20 hanggang 30 mga bansa sa buong mundo.
Magiging variant of concern lamang ito kapag hindi na epektibo ang mga bakuna laban sa Lambda variant.
Nauna ng ibinunyag ng health minister ng Malaysia na nanggaling sa bansang Peru ang naturang Lambda variant na mas nakakahawa at delikado kumpara sa Delta variant.