-- Advertisements --
Kinumpirma na ng Department of Health (DOH) na mayroon ng naitalang bagong strain ng COVID-19 na Lambda.
Ayon sa DOH ito ang naging resulta ng pagsisiyasat ng Philippine Genome center ng bansa.
Sinasabing nanggaling sa isang 35-anyos na babae ang nasabing sample kung saan ito ay asymptomatic.
Hindi pa tiyak ng DOH kung nagmula sa ibang bansa ang nasabing babae.
Kasalukuyang sumasailalim pa sa quarantine ang babae.
Ang Lambda o kilala bilang lineage C.37 ay unang nakita sa Peru noong Disyembre 2020.