-- Advertisements --

NAGA CITY-Nakumpiska ang lampas ₱3 Million na kantidad ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Lucena City, Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Mohamad, 48 anyos, at si alyas Babylyn, 25 anyos, pawang residente ng Brgy. San Fernando, Malvar, Batangas.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, inaresto aniya ang mga suspek pagkatapos na makabili sa mga ito ang poseur-buyer ng mga awtoridad ng dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang ilegal na shabu.

Sa isinagawang preventive search ng kapulisan nakuha pa sa mga suspek ang tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang ilegal na shabu.

Pumalo naman sa 165 grams ang lahat ng nakumpiska na pinaniniwalaang ilegal na droga at nagkakahalaga aniya ng ₱3,366,000.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng Lucena City Police Station ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.