-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Sumailalim na ngayon sa self isolation si Lanao del Sur Governor Mamintal “Bombit” Adiong Jr kasama ang tatlong close-aide nito sa Amai Pakpak Medical Center ng Marawi City.

Ito’y matapos kumpirmahin niya mismo sa pamamagitan ng kanyang Facebook post na nagpositibo ito sa COVID-19.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ng kanyang kaanak na si Zia Alonto Adiong, miyembro ng parliament ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nahawaan ang gobernador dahil sa close contact rin nito na unang nagpositibo sa virus.

Inihayag ni Adiong na hindi naman malubha na kalagayan ang gobernador habang naka-hospital quarantine.

Una rito, nasa 11 na ang kumpirmadong namatay sa Lanao del Sur dahil sa deadly infection at hindi pa kasali sa bilangan ang dalawang pumanaw noong nakaraang araw.