-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nakaligtas mula sa kapahamakan si incumbent Lanao del Sur Governor Mamintal ‘Bombit’ Adiong Jr.

Ito’y matapos tinambangan ang kanyang convoy habang binaybay ang bayan ng Maguing at papunta sana sa isang taunang selebrasyon sa karatig munisipyo ng Wao ng lalawigan.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Police Regional Office 10 spokesperson Police Maj Joann Navarro na bagamat tinamaan si Adiong subalit hindi naman malubha kaya mabilis na naisugod sa pinakamalapit na pagamutan sa Bukidnon at kalaunan ay dinala sa Cagayan de Oro City.

Kinompirma rin ni Navarro na ilan sa mga security escort ng gobernador ang napuruhan.

Kabilang sa mga napaulat na nasawi ay sina Juraij Adiong;Aga Sumandar;Jalil Cosain at isang driver na nagngangalang Kobi

Sa ngayon,hindi pa patukoy ng mga otoridad kung sino ang grupo na nasa likod sa nangyari na pananambang sa convoy ni Adiong.