-- Advertisements --

Hiniling ng Lanao del Sur-IATF sa BARMM-IATF na ibalik sa Enhanced Community Quarantine o ECQ dahil sa dumaraming confirmed COVID-19 cases sa probinsya kabilang na ang Marawi City.

Nakapagtala rin ang lalawigan at lungsod ng 21 local transmission, ang mga ito ay walang exposure sa COVID-19 patient, walang travel history sa ibang lugar.

Ayon kay BARMM Cabinet Sec/Inter Agency Task Force on COVID-19 Mohd Asnin Pendatun, na habang tatalakayin pa ang desisyon at approval ng National-IATF ay may measures namang pwedeng ipatupad ang pamahalaang lokal ng Lanao del Sur at Marawi City alinsunod sa kasalukuyang guidelines.

Maaari anyang magpatupad ng mas istriktong community quarantine sa mga barangay o sitio na may mataas na kaso ng COVID-19.

Sa kasalukuyan ay mahigit 200 na kaso na ng COVID-19 ang naitala sa Lanao del Sur at Marawi City.