CAGAYAN DE ORO CITY – Tuluyang nauwi sa madugong bakbakan ang simpleng biruan ng political supporters ng magaganap sanang rally sa harap ng munisipyo ng Salvador, Lanao del Norte.
Ibinahagi ng katabing alkalde ng Bacolod ang kanyang nakuhang impormasyon sa Bombo Radyo kung saan apat na supporters aniya ng mayoralty candidates na sina Bebot Umpa at Farhanie Tawan-tawan ang lubhang sugatan.
Samantala, aabot sa mahigit 12 ang nagtamo ng minor injuries nang mauwi sa riot ang batuhan ng mga maaanghang na batikos nang magkatagpo ng dalawang rival party.
Ayon kay Lanao del Norte, Bacolod Mayor Jonathan Miquiabas, inilagay ng Lanao del Sur Provincial Police Office sa heightened alert ang buong probinsya dahil sa nagaganap na intense political rivaly sa ilalim ng kanilang area of responsibility.
Una rito, inaalam pa ng pulisya kung bakit may kasamang mga armadong kalalakihan ang mga supporters ng dalawang mayoralty candidates.