-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Hindi pa nagbukas ang Land Bank Alabel dahil nagpapatuloy pa ang contact tracing habang nag-disinfect din ang bangko.
Ito sinabi ni Alabel Mayor Vic Paul Salarda na naka-isolate sa General Santos ang nasabing empleyado na nagpositibo sa coronavirus.
Dagdag ni Salarda, na-expose man ang nasabing empleyado subalit hindi ito sa teller nadestino kundi sa loan division.
Nagnegatibo naman sa swab test ang anim na indibidwal na nagka close-contact nito.
Binigyang linaw din nito na hindi residente ng Alabel, Sarangani ang COVID-19 patient dahil residente ito ng General Santos City.