Inaprubahan ng Land Bank of the Philippines ang P62.32 billion na pautang para tulungan ang 194 na local government units (LGU) na makabangon sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Ang nasbing loan na inaprubahan para sa LGU ay bahagi ng Restoration and Invigoration package for a Self-Sufficent Economy towards UPgrowth for LGUs lending program o RISE-UP LGU.
Sa nasabing P62.32 billion na inaprubahan ay nasa P1.89 bilyon na ang inilabas sa 32 LGU mula pa noong Pebrero 2, 2021.
Ang nasabing programa ay tulong sa mga LGU para makabangon sa kanilang local economy at makabangon sila mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Inilunsad ang programa noong Hulyo 2020 kasama nila ang Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP), League of Provinces of the Philippines (LPP), League of Cities of the Philippines (LCP) at League of Municipalities of the Philippines (LMP).