-- Advertisements --

KALIBO CITY – Kinatigan ng Korte Suprema ang apela ng mga katutubong Aeta sa Boracay na dumedepensa para sa bahagi ng lupa ng kanilang pag-aari sa isla.

Batay sa desisyon ng 1st Division, sinabi ng Kataaas-taasang Hukuman na dapat sa Court of Appeals inihain ng claimants na mag-asawang Gregorio at Ma. Lourdes Sanson, imbis na sa Regional Trial Court.

Hindi pinansin ng Supreme Court ang ruling ng RTC sa hiling ng mag-asawa na kanselahin ang Original Certificate of Title (OCT), Certificate of Ancestral Domain Title at Reconveyance and Damages ng mga katutubo sa 2.1-hectares na bahagi ng Brgy. Manocmanoc.

Taong 2010 nang igawad ng National Commission on Indigenous Peoples ang naturang lupa sa mga Aeta.

Pero nang sumunod na taon nito ay hiniling ng mag-asawa na kanselahin ito ng korte.