GENERAL SANTOS CITY – Land conflict ang tinitingnan na motibo ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril sa tatlong katao sa Purok 1-A Brgy. Landan Polomolok, South Cotabato.
Nagpapagaling pa sa pagamutan ang magkapatid na sina Romelo Tampaan, 35a-anyos na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan at Clifford Tampaan, may sugat sa kanyang hita at ang kanilang pinsan naman na si Jomel Tampaan ay natamaan sa leeg.
Sa panayam ng Bombo Radyo General Santos City, inihayag ni Police Lt. Col. Samuel Cadungon, hepe ng Polomolok Municipal Police Station, sinabi nito nangyari ang pamamaril nang pauwi na ang mga biktima sa kanilang bahay.
Bigla umanong binaril ng mga suspek ang mga ito.
Narekober ng pulisya sa lugar ang fired cartridge ng calibre 45 pistol, live ammunition ng 5.56 na baril, garrand riffle at carbine.
Inihayag ni Lt. Col. Cadungon na patuloy ang hot pursuit operation ng kanyang mga tauhan matapos na makilala ang mga salarin sa krimen.