-- Advertisements --
rice farmers
Rice Farmers

LEGAZPI CITY – Hindi umano nalalayo ang posibilidad na kumagat na ang ilang magsasaka sa “land speculation” at ipagpalit na ang lupa para sa development projects.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Cathy Estavillo, tagapagsalita ng Bantay Bigas, nauuso umano ang naturang gawi sa ilang bahagi ng Luzon na ipinangangamba ng grupo lalo na ang magiging epekto sa agriculture sector.

Lumalaki na rin umano ang land conversion projects sa rehiyon matapos na mahikayat ang mga dating magsasaka na ipagbili ang lupa sa mahal na halaga at iwan na ang nakagawiang pamumuhay.

Tinawag naman ni Estavillo na ‘band-aid solution’ ang iniaalok na Survival and Recovery (SURE) Aid ng Department of Agriculture lalo’t nasa 100, 000 na magsasaka lamang umano ang mabebenipisyuhan nito sa kabuuang 2.7 million local farmers.

Lugi rin aniya ang mga magsasaka sa nasa P15, 000 lang na maa-avail sa programa kumpara sa P65, 000 na kapital sa patrabaho sa isang ektarya.

Hirit pang kahit itaas lamang sa P20 bawat kilo ang bilihan ng palay, magiging malaking tulong na umano ito para sa sektor.