KORONADAL CITY – Nakakulong na ngayon ang dalawang suspek sa pamumugot ng ulo sa isang land tenant matapos na maaresto ng mga otoridad sa Purok Waya-Waya, Barangay San Emmuel, Tacurong City.
Kinilala ni Lt. Joan Maganto, hepe ng Tacurong PNP ang mga suspek na sina Jonre Imba Barselosa, 21, at Jenil Pagelo Malila, 22, na pawang mga residente ng Malungon, Sarangani province.
Ayon kay Lt. Col. Joan Maganto, isang araw lang ang ginamit ng mga suspek sa pagpugot sa ulo ng biktima.
Dagdag pa ni Maganto,0 magkasama pa umano ang mga suspek at biktima na nag-inuman.
Habang nag-iinuman ay nagkaroon umano ng heated argument ang mga suspek at biktima na humantong sa karumal-dumal na krimen.
Kinaumagahan na nang madiskubre na patay na ang biktima matapos matagpuan ang bangkay nito na nakahiwalay na ang pugot na ulo sa katawan.
Sa ngayon, nakatakda nang sampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek.
Hiling naman ng pamilya ng biktima na huwag nang ilabas ang identity nito.
Personal grudge naman ang nakikitang dahilan ng mga pulis na motibo sa krimen.