Inatasan ng ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng PUV operator at driver na dumulog sa kanilang mga opisina para sa maglagay ng updated na Fare Matrix or Fare Guide sa kanilang mga sasakyan na makikita agad ng kanilang pasahero.
Kasunod na rin ito ng pagpayag ng LTFRB sa pisong dagdag sa pasahe para sa mga Public Utility Vehicle (PUV).
Mainam daw na sa tanggapan ng LTFRB pumunta ang mga drivers at operators para sa mga detalye bilang gabay tungo sa mas maayos at walang aberyang transaksyon.
Para sa mga karagdagang katanungan ay makipagugnayan lamang daw ang mga operators at drivers sa pamamagitan ng LTFRB-National Capital Region (NCR) official Facebook page.
Maaari rin umanong mag-iwan ng komento para sa mga katanungan, alalahanin at mungkahi patungkol dito na maaaring matalakay o masagot ng LTFRB.
Una nang nagpaalala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na epektibo ang fare increase sa mga Public Utility Vehicle (PUV) sa Oktubre 3.
Ito ay 15 araw matapos ianunsiyo ng ahensya ang pagtaas ng singil sa mga pampublikong sasaskyan noong nakaraang Biyernes, Setyembre 16, 2022.
Sa inilabas na desisyon ng LTFRB, inaatasan ang bawat PUV operator at driver na maglagay ng updated na Fare Matrix or Fare Guide sa kanilang mga sasakyan na makikita agad ng kanilang pasahero.