-- Advertisements --
cropped LTFRB office 2

Kasalukuyang nakikipag usap at tulongan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa iba’t ibang ahensya bilang paghahanda sa planong strike ng ilang mga transport group sa darating na March 6 hanggang March 12.

Sa ngayon ay tinitignan ng ahensya ang porsyento ng mga nag comply nang jeepney at UV express drivers upang matukoy kung ilan pa ang estimated na sasama sa planong transport strike.

Bilang pagtugon dito nakatakdang mag usap ang ilang transport group at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Hindi nabanggit kung kailan mangyayari ang nasabing pag uusap, ngunit ito ay mangyayari bago ang planong transport strike dahil layunin nito na magkaroon ng iisang tungohin at mapigilan ang planong aktibidad ng mga transport group.

Samantala, nilinaw niya na laging bukas ang kanilang himpilan at patuloy na gagawan ng paraan ang pagkakaroon ng pakikipag usap kasama ang mga nasabing grupo.

Matatandaan na nanawagan ang mga transport group ng limang taon na extension bago ipatupad ang public utility vehicle modernization program.