Nilinaw ng Land transportation franchising and regulatory board na ang mga kooperatiba ang may hawak sa pagpili at pagbili ng mga modern units jeepney at hindi ang mga driver kapag consolidated na ang mga ito.
Ang mga kooperatiba umano ang may kontrol sa gusto nilang klase ng unit basta’t kailangan lamang sundin ang Omnibus franchising guidelines of 2017 maging ang mga specs, makina, sukat at lugar ng pintuan ay dapat pasok din sa standard.
Ayon nga kay Land transportation franchising and regulatory Board Technical division head Joel Bolano, kahit na may sinusundan na standard ay pagdating naman sa disenyo ay pinapayagan, basta nakasunod sa specifications at style ang bibilhing pampasada.
Samantala, pinagaaralan rin ng Department of transportation ang posibilidad na itaas pa ang subsidy para sa mga transport cooperatives at tradisyunal jeepney operator na interesado bumili ng sasakyan, Kung kakayanin pa umano ng pondo ay hindi sila magdadalawang isip na itaas ang porsiyento ng mga ito sa bawat unit.
Sa ngayon nangako pa rin ang ahensya na walang phase out na mangyayari,at kung piliin man ng mga transport cooperative at Public Utility Jeepney operator na humiram sa pribado at kooperatiba sa mga bangko, ang halaga ng subsidy ay magmumula naman sa ₱210,000 hanggang ₱360,000 o depende pa rin sa kapasidad ng sasakyan.