-- Advertisements --
image 333

Pinaghahandaan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang itinutulak ng Department of Transportation (DOTr) na pagpapatupad ng diskuwento sa pasahe ng mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Teofilo Guadiz III, mayroon nang pondong nakalaan para sa Service Contracting Program (SCP) at hinihintay na lamang ng Ahensya na maibigay ito ng Department of Transportationsa LTFRB.

Sa ilalim ng panukala, mula sa P12.00 ay gagawin na muling P9.00 ang minimum na pasahe sa mga tradisyunal na jeep o katulad ng singil noong wala pang pandemya sa bansa.

Umaasa si Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Teofilo Guadiz III na madaragdagan pa ang pondong nakalaan para sa programa upang mas malawak at marami ang makinabang dito.