-- Advertisements --
city buses
Edsa, Kamuning, Cubao in Quezon City on Friday, January 25, 2019. Photo by Darren Langit/Rappler

Tiniyak ng bagong talagang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz na tutugunan ang malalim na pinag-ugatan ng mga isyu sa transportasyon sa ikatlong pagkakataon panunungkulan sa sektor.

Kahapon, nanumpa si Guadiz kay Executive Secertary Lucas Bersamin.

Aminado naman ang LTFRB chairman na hindi magiging madali ang mga tungkulin sa ahensiya subalit tiniyak nito sa public transport sector at sa mga mananakay na handa at determinado ito na harapin ang mga hamon at inaalok na posibleng solusyon sa abot ng kaniyang makakaya.

Nagpahayag naman ng buong suporta ang LTFRB officials at mga empleyado kay Guadiz bilang pinuno ng ahensiya.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na naitalaga si Guadiz, una bilang head ng Land Transportation office (LTO) noong July, at muling naitalaga bilang assistant secretary para sa road transport at infrastructure sa ilalim ng Department of Transportation sa Nobyembre.