-- Advertisements --
Tinaasan ng Landbank of the Philippines ang maximum amount ng cash fund transfer.
Ayon kay Landbank President and Chief Executive Officer Lynette Ortiz na mula sa dating P50,000 ay magiging P100,000 na ito ngayon.
Layon nito ay para mas dumami pa ang gumamit ng kanilang mga online banking platforms.
Sa nasabing paraan ay mapapabilis ang transaction sa pagnenegosyo na gumagamit ng mga online bank transactions.
Magugunitang isinusulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang cashless transactions bilang pagsabay sa digitalization sa bansa.