-- Advertisements --
Maaaring maantala kumpara sa mga naunang pagtaya ang landfall ng tropical depression Perla dahil sa bagal ng pag-usad nito.
Ayon sa Pagasa, maaaring mangyari ang pagtama ng sentro ng bagyo sa probinsya ng Cagayan sa araw ng Linggo.
Huli itong namataan sa layong 860 km sa silangan ng Tuguegarao City, Cagayan o 860 km sa silangan ng Aparri, Cagayan.
Kumikilos ang bagyo nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kilometro kada oras at may pagbugsong 55 kilometro bawat oras.