Sa susunod na linggo pa mangyayari ang landfall sa lalawigan ng Cagayan, kung magpapatuloy ang bagyong Ramon sa mabagal na pagkilos.
Ito ang sinabi ni Pagasa weather specialist Raymond Ordinario, dahil sa halos hindi pag-usad ng sama ng panahon sa mga nakalipas na oras.
Huli itong namataan sa layong 420 km sa silangan hilagang silangan ng Casiguran, Aurora o 460 km sa silangan ng Tuguegarao City.
Nananatili ito sa pahilaga hilagang kanlurang direksyon.
Taglay pa rin ang lakas ng hangin na 75 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 90 kph.
SIGNAL NO. 1:
Eastern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-lo, Gattaran, Baggao at Peñablanca)
Eastern portion of Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan at Dinapigue)
Northern Aurora (Dilasag, Casiguran at Dinalungan)